Saturday, 9 November 2019

                                 




Ano ba ang climate change o pagbabago ng klima?


  • Ayon sa mga batikang siyentipiko, ang climate change ay ang malawakang pagbabago ng panahon o klima sa iba’t ibang parte ng daigdig. Maaaring ito ay ang pagdami o pagkabawas ng pagdagsa ng ulan kadata-on sa isang lugar o maaaring ito ay isang pagbabago sa karaniwang temperatura ng isang lugar para sa isang buwan o season.





Sanhi ng CLIMATE CHANGE

Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:

1.  Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon.  Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo.

2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases )GHGs).  ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo.  Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.





Epekto ng Climate Change sa lipunan

Pinakaunang naapektuhan nito ay ang " environment " ng taong naninirahan dito . Ang climate change din ay maaaring magdulot ng iba't-ibang kakulangan sa mga pangangailangan ng mga mamamayan . Nagdudulot din ito ng iba't-ibang di kanais-nais na pagbabago sa mga natural disasters na maaaring mangyari at makaapekto sa mga mamamayan na sakali ay maging isang " threat " sa buhay ng mga tao .


Maapektuhan din nito ang kalusugan ng mga tao , pati na rin sa iba't-ibang natural resources ng ating mundo . Magdudulot ito ng malaking pagbabago sa mga iyon . 


Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.

Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:

- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
- Dulot ng polusyon (allergy)
- Malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan nito.



Solusyon sa climate change?

Mga Simpleng Paraan Upang Labanan ang Epekto ng Climate Change


1. Magtanim ng puno at halaman upang magsilbing taga-sipsip ng GHGs

2. Magpalit ng bumbilya.  Gumamit ng tinatawag na compact fluorescent light bulbs (CFLs).

3. Magtipid sa paggamit ng koryente.  Buksan ang mga bintana at hayaang makapasok ang natural na liwanag at hangin sa tahanan.  Iwasang gumamit ng aircon.

4. Bunutin ang plug ng mga appliances  kung hindi ginagamit.

5. Magtipid sa paggamit ng tubig.

6. Maging praktikal sa paggamit ng sasakyan. Maglakad kung kinakailangan.

7. Huwag magsunog ng anumang basura.

8. Magrecycle.  Iwasang gumamit ng plastic bags sa halip, gumamit ng recyclable bags.





                                  Ano ba ang climate change o pagbabago ng klima? Ayon sa mga batikang siyentipiko, ang climate c...